Sunday, August 4, 2013
Ang
parabulang napili at itinanghal ng aming seksyon ay “Ang Magandang Dilag at ang
Kuba”. Ito ay tungkol sa isang magandang dilag at kuba na pinaglaanan ng Diyos
para maging magkapareha sa buhay pero ang babae ay naging mapili o pihikan.
Sila ay parating magkasama sa langit noong hindi pa sila isinisilang. Dapat ang
dalaga ang magiging kuba at pangit pero pinakiusapan ng kuba ang Anghel para sa
kanya na lamang ibigay ang kapalarang iyon ng sinabi ng kuba ito sa dalaga
binigyan ng dalaga ang kuba ng pagkakataon manligawa at patunayan ang
pagmamahal nito. Sa huli ay naani ng kuba ang oo ng dalaga at sa huli sila’y ikinasal at naging maligaya sa piling ng isa’t isa.
Sa aming bersyon ang
pagkakaiba ay hindi kuba ang lalaki, hadlang sa pagmamahal ng dalawa ang mga
magulang ng babae dahil isang dukha ang lalaki at may malungkot na pagwawakas
ang parabula.
Ang aming seksyon ay
isa sa mga unang nagtanghal kaya isang linggo lamang ang nabigay sa aming
panahon para makapaghanda. Ito ay naging isang bagong pagsubok sa aming seksyon
lalo nasa mga bagong miyembro na aming seksyon. Hindi maiiwasan ang pagkataranta,
pagkainis at alitan sa isa’t isa lalo na kapag naaalala naming na palapit na ng
palapit ang pagtatanghal namin.
Sa araw ng
pagtatanghal namin kabado kaming lahat at nagmamadali ang lahat sa pagaayos,
costume o make-up committee hanggang sa props. Isang deskripsyon lamang ang
masasabi ko sa backstage habang nagtatanghal, kaguluhan. Pahirapan sa
paglalabas ng props, pagaayos ng make-up at pagpapalit ng make-up ng mga
nagtatanghal, ang siksikan, at ang kaba na sanhi pagtataka kung ano na ang
nangyayari sa labas.
Ang pagtatanghal na ito ay hindi lamang proyekto kundi isang kompetisyon din pero para sa akin mas mahalaga ang pagsasama-sama namin muli. Ang mensahe ng parabula aykapag ikaw ay tunay na nagmamahal handa kang sakripisyo ang lahat pati ang buhay. Sa parabulang ito ay malalaman natin na tunay ang pagmamahal sa akin ni Kristo at ng Diyos dahil isninakripisyo ng Diyos ang kanyang anak at si Kristo naman ang kanyang buhay para sa ating kalayaan. Ang aral naman para sa amin ay kailangan lamang naming magtiwala sa kasabihang “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”. Kailangan lamang naming maging isa, magtiwala sa aming kakayanan, sa isa’t isa at sa Diyos na kakayanin namin at nakaya nga namin dahil kahit papaano ay naging matagupay ang mga dula.
Subscribe to:
Comments (Atom)


